Nandito ako dahil sa'yo Hindi ko alam kung kakayanin Kung hindi kita kasama Sa aking paglipad
Ikaw ang hanging nagdala Sa akin, sa mga bituin
Pangarap ko ay ang pangarap mo Iaalay sa'yong Siyang unang nagbigay Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit Nang dahil sa'yo'y mabubuo Ang pangarap kong pangarap mo
Nagtiwala kang kakayanin kong lahat Nabura ang pag-alinlangan ko Dahil sa'yo Pinakita mo sa'kin mga kaya kong gawin At 'wag matakot abutin at liparin itong
Pangarap ko ay ang pangarap mo Iaalay sa'yong Siyang unang nagbigay Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit Nang dahil sa'yo'y mabubuo Ang pangarap ko
Ang lahat ng ito'y ginawa mo para sa akin Saan man makarating ay dadalhin Magtiwalang mapapasa akin
Ang Pangarap ko ay ang pangarap mo Iaalay sa'yong Siyang unang nagbigay Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit Nang dahil sa'yo mabubuo
Dahil sa'yo'y maabot Ngayo'y matutupad na ang lahat Ng pangarap ko Pangarap mo