Ben&Ben
Página inicial > B > Ben&Ben > Di Ka Sayang

Di Ka Sayang

Ben&Ben


Kahit 'di mo sinasabi, ramdam ko ang pagkukunwari
Akala'y masaya, ba't parang may lungkot sa tawa?
Bigat ng mga katanungang dumadagan sa 'yong isipan
'Di kailangan na buhating mag-isa

'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka sayang, 'di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila
Tanggap kita

Itapon na sa kalawakan
Sanlibong bakit na 'di matuldukan
'Di kailangan na buhating mag-isa

'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka sayang, 'di kailangang patunayan, woah
Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila

Tanggap kita
Kahit talikuran ka nila
Tanggap kita
Itawag na ang 'yong pangangamba
'Di pa huli para humilom
Ang mga sugat ng iyong nakaraan
'Di kita iiwan

'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka kulang, 'di kailangang patunayan, woah
Sarili ay mahalaga
Kahit pa ano'ng tingin nila
Tanggap kita
Tanggap kita, woah
Sarili ay mahalaga
Kahit pa ano'ng tingin nila
Tanggap kita

Tanggap kita
Tanggap kita
Tanggap kita

Encontrou algum erro? Envie uma correção >

Compartilhe
esta música

Ouça estações relacionadas a Ben&Ben no Vagalume.FM

Mais tocadas de Ben&Ben

ESTAÇÕES